Bitter Sweet Birthdayi miss blogging, so heto ako't nagbabalik.
valentines day kahapon. at kagaya nga ng wish ko sa tagboard ko, sana eh makagawa man lang ako ng post sa birthday ko. sadly hindi ko nagawa, kasi kahapon iyon, 15 na ngayon.
ordinaryo lang ang araw ko kahapon. kung iniisip niyo na magbibitter lang ako sa entry na ito, 100% na tama kayo!
hindi ako gaanong natuwa. hindi naman sa gusto ko ng kakaibang birthday. ang sa akin lang... wait, on second thought naging kakaiba naman ang birthday ko, kasi wala ngang nangyari. bago iyon ha!
sabi ko nga, iyon na ang pinakasad ko na birthday. kasi parang ordinary day lang. hindi ko man lang nafeel na special ito, lalo na kung magmumula sa mga taong alam niyo na... and to think Vday iyon ha. ang saklap talaga.
ano bang nangyari kahapon, well isa-isahin natin...
pumasok ako ng maaga para sa philo class ko na as usual ay walang klase. pumunta ako sa maskom lib at nagbasa ng childhood's end na dahil sa kulang ako sa tulog ay hindi ko na nasusundan ang istorya, ang hirap magisip. umattend ako ng symposium ni Miller. at least sumaya naman ako. tumunganga ulit at nagbasa ng childhood's end. gutom na ako. naghintay ako sa lib ng matagal at nang tamarin na ay umuwi. trineat ang sarili ng mcrice burger. dapat magpapancake house ako, kaso mas sad naman na kumain ng nagiisa sa isang restaurant sa araw ng mga puso. so 3:30 pa lang nasa bahay na ako.
kahit mama ko nagulat sa aga ng uwi ko.
pagdating sa bahay, naging ka-date ko na ang school work. winish ko na sana kahit sa birthday ko magpapahinga ako, away from school work ba. pero hindi natupad. wala na kasi akong magawa, so no choice na.
syempre naman may handa kami sa bahay, pero normal na talaga un eh. siguro masyado lang akong umasa.
bago magwakas ang bitter sweet na entry na ito, nais ko lang pasalamatan ang mga sumusunod:
*sa lahat ng bumati, mga friends, hs classmates, college classmates, blockmates, batchmates, former schoolmates, financier abroad, kasama sa bahay at syempre...
si kofi!
lucia
10:21 PM
|