Thursday



KATATAWANAN SA CLASSROOM
PART II


Ms. D, the Pennsylvanian:
Isang pag-alala sa masayang semestre

Malakas ang usap-usapang tila hindi na yata magtuturo si Ms. D sa susunod na semestre. Hindi kasi makita ang pangalan niya sa mga propesor na magtuturo ng CommRes subjects sa CRS. Totoo kaya ito? Babalik na ba siya sa kanyang Alma Mater? Kung hindi, saan siya pupunta? Aalis nga ba siya?

Ang katatapos lamang na semestre ang unang beses ng pagtuturo ni Ms. D sa unibersidad. Matapos niyang makamit ang PhD sa Amerika ay bumalik siya sa Pilipinas. Pero hindi siya sa UP unang nagturo, kundi sa kanyang beloved Alma Mater na nasa Katipunan lang. (Ang dagdag na kaalaman ay mula kay G. Alberto).

Maituturing si Ms. D na isa sa pinakamagagandang guro sa kolehiyo, marahil pinakamaganda pa nga sa departamento namin. Sabi niya, gusto niya ng collared shirts kasi nagmumukha siyang kagalang-galang. Dagdag pa niya, parang damang-dama niya na siya ang nagtuturo kapag ganoon ang suot niya. Minsan nga naaalala ko pa ang mala-Britney Spear niyang itsura. Naka-pink siya na collared shirt at naka khaki na pants. Tapos naka-sneakers siya. Na ang sabi ko kay Raine ay masyadong malaki kung pagmamasdan. But nevertheless, maganda pa rin siya. Nagsusuot din siya ng mga nakamamatay na sapatos. Iyon bang sa sobrang pagka-pointed eh ikamamatay mo masagi ka lamang nito.

Maayos naman ang naging takbo ng kanyang klase. May mga pagkakataon nga lamang na inaantok ako kasi tatlong oras kaming nakikinig sa iba't ibang teorya ng komunikasyon. At kumusta naman iyon?! Nagkaroon ng pagpapangkat at nagulat ang bawat pangkat ng isang teorya. Dito na nabuo ang mga masasayang quotable quotes ng aking mga kaklase, at maging ni Ms. D. (kung inyong maaalala, nagbanggit na ako ng ilan sa KATATAWANAN SA KLASE PART I. hindi ko na iyon babanggitin muli!)

Umpisahan na natin ang pagbabalik tanaw...

Hindi natin namamalayan pero nagbabago pala ang itsura ng ating bansa. Marahil ako ay nagtataka dahil hindi naman ito nababalita sa mga pahayagan o maging sa TV man lang. Pero ayon sa iginuhit ni Ms. D sa pisara, iba na nga talaga ang itsura ng Pilipinas.


Hindi man lamang natin napansin, naglakbay na pala papuntang Mindanao ang pulo ng Palawan.

Ang ikalawa...

Madalas akong sumakay ng LRT/MRT, pero wala pa naman akong nakikitang nakasabit sa mga tren. Pero mukhang si Ms. D ay meron na. Sa isang paguulat kasi pinatayo niya ang aming mga kaklase at pinaarte na kunwari at "nakasabit" sila sa MRT. Marahil ganito ang itsura noon...


Gaya nga ng nakalagay sa picture, huwag gayahin at baka ma-sakuna ka!

Eto pa...

Maging maingat sa mga pothole sa labas ng inyong mga tahanan. Kapag napabayaan, maaari itong lumaki. At sa sobrang laki ay kaya na nitong lunurin ang mga truck na daraan tuwing baha. Tulad nito...


Tunay na napakagaling ni Ms. D at naisip niyang paalalahanan tayo tungkol dito.

At ang huli...

Huwag maliitin ang mga chakang barangay hall. Marahil ay ginawa na itong sariling tirahan ng mga barangay captain ngunit ayon kay Ms. D, mabisa pa rin itong lapitan kapag may problema ka.



Ayos di ba?!


Tunay nga na mataas ang litera[l]cy rate ng mga Pinoy. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga hindi malilimutang pahayag ng mahal naming si Ms. D.

Narito naman ang ilan sa mga na-okray moments namin ng aking mga blockmates:

(1) Necklace sa dibdib ng kaaway

...Diyos ko, maawa ka sa necklace ni MB. Hindi na sila makahinga. Nagpupumilit na silang makaalis sa nakamamatay na pagpiga ng kanyang biniyayang dibdib.

Sino siya?! Balak niyo bang mag-swimming? I-try ang 8 waves or 9 waves park.

(2) Second reading, a reading according to the book of Griffin

...Daig pa namin ang nasa misa. Biyernes pa lamang ngunit atat na ang aming kaklase na basahin ang gospel. Ang tanong, nag-ulat ba siya o nagbasa? Sagot: nagbasa!

Sino siya?! Ayon kay G. Alberto, mahilig siya sa turon. Dagdag pa niya, nasa average ng 2 turon ang nakakain nito sa tuwing nakikita niya ito. Guess na!

(3) It

...Neither a man nor a woman. Kaya IT. Maloloka ka sa mga tanong at sagot na hindi rin namin alam kung saan nanggaling. Isang babala: huwag matakot kung mahuli mo siyang nagsasalitang mag-isa. Hindi siya baliw. Naghahanda lamang siya sa susunod niyang sasabihin sa klase.

Sino siya?! Kakakasal lamang niya. Anak ni Da boy at Vanessa.


lucia
9:51 PM


|

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
June 2007
July 2007


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird