After thousands of years ng hibernation, I am so so back!!! Yes, at dahil sobrang tagal na since I last posted an entry, expect na mahaba ang mga susunod na kabanata.
Hindi nangangahulugan na kaya ako'y may post muli ay dahil sa ako ay hindi busy. No, no, no. In fact I am so busy gusto ko ng wakasan ang aking buhay. Pero naisip ko ba papaano na lamang ang mga taong walang sawang sumusubaybay sa blog ko kung magpapakamatay ako. So fans, para sa inyo ito! (Pacquiao's song as background music...
para sa iyo, ang laban na ito...)
Sa tingin ko rin kailangang humingi ng sorry sa akin ang pamunuan ng MYX. DAhil sa over-exposed na footage ko sa kanila, mas nahirapan pa akong balansehin ang schedule ko. Biro mo ba naman, nananahimik ako sa isang sulok at biglang, "Uy nakita kita sa MYX! Pa-autoraph naman oh?!" Okay so alisin niyo na iyong last doon. Over na ito ha! Chika!!!
Okay so serious mode na. So eto na at may post na nga ulit ako. Naisip ko kasi na kung hindi ngayon, kelan? Kung hindi ako, sino? Naks naman, iyan talaga ang nagagawa ni Sister Stella L sa buhay ko! Anyway, ayun nga. Baka kasi kung tumagal pa iyong mga nakasulat sa scratch "a.k.a. recyclable para sa mga Singaporeans" notebook ko eh makapag-publish na ako ng libro. O siya. ready na? Go!
Issues... Issues... Issues...
Alam ko marami talaga akong issues sa buhay. Pero not to the point naman na si Maury Povich, Jerry Springer at Dr. Phil na ang itinuturing kong mga idolo. Nariyan pa rin naman si Boy Abunda na sa tuwing makikita ko sinasabihan ako ng, "Tara, usap tayo!"
Ang mga issue lang naman na bumagabag at bumabagabag (sige try niyo nakakapagpabagabag ng 10x) sa akin ay acads ko. WEll by this time tapos na ang mga exams at reports sa ibang subjects. Although coming na ang Finals, nakahinga na rin ako ng maluwag at papers naman ang pagtutuunan ko ng pansin.
So umpisahan na ang sama ng loob. Kung sama ng loob nga ba itong matatawag!
Sa totoo lang hindi ko alam kung masasabi kong kamapnte na ako sa mga grades ko this sem. Sa J101 na lang. Midterms namin, Diyos ko, alang in-between grades si Sir. May additional points na nga ako, hindi pa rin sapat para maitaas ang equivalent grade ko. Biro mo, one point na lang eh! Its either 1.00, 1.50, 2.00, and so on (just follow the pattern) lang ang magiging grade mo. Grrr...
Sa Comm140 naman. May midterm paper kami na medyo minadali ko naman talaga. Mas pinagtuunan ko kasi iyong paper kay Lola Rennt kasi mas feel ko iyon eh. So there, as expected
hindi inviting ang grade. AS in inviting na pangitiin ka ha! Pero I'm not blaming anybody except myself maybe?! hahaha... Happy na rin ako at tapos na ang report namin nila Raine at Rej sa C140. Kumusta naman ang reference book na dinayo ko pa sa CBA?! Buti na lang "inviting" ang librarian. :)
Okay, enter naman ang ever hirap na majors na CRes 101. May apat na FGD pa kami. At wala pa kaming idea on how to organize such an event. Anyone interested to be our respondents? go, inquire lang sa tagboard okay!!!
Mostly, iyan lang naman ang issues ko. Sa PE naman kasi ibang mundo iyon eh. Medyo hindi rin naman lahat tayo ay makaka-relate kay JAO Mapa at reCUERDO de amor. (shet... may background music ulit... recuerdo de amor... alaala ng pag-ibig...)
Eh sa Physics although mahirap iyong second exam keber na lang. Chaka kasi ng sched nun eh. Nagkasabay sabay ang activities ko sa life na sa other posts na lang ieelaborate.
Pero siguro isang subject na happiness talaga ako ay Film 10. Tapos na kami sa reporting and all. Pero dahil sa likas kaming mapagmaganda siyempre may kaunting arte rin for our presentation sa report. Ayan sample lang iyan. Kung ikaw ay bitin, go na lamang sa multiply ko for the other pictures nung photo shoot namin sa Lagoon. (And yes, kahit tirik and araw, may nagmomoment pa ring couples dun!)
At break na namin sa Film. Babalik na lang kami two weeks from now para i-present ang aming mini movie. Naks. Don't be too amazed. Mga 3-5 minutes lang iyan. Pero sobrang excited na ako lalo na sa page-edit ng film. sa wakas natutunan ko na rin kung paano gamitin ang windows movie maker. Hay... saya!
Ayan, narinig niyo na ang kababawan ng pag-iisip ko sa ngayon. Pero I bet mas mababaw pa naman dito ang iniisip mo eh?! hindi ba?!
lucia
9:24 PM
|