Tren, Pelikula at Ka-jologs-an
ang naidudulot ng maskom sa tao
At last, tapos na rin ang mga "long-pero-short-lang-para-sa-prof" na papers. Ang proproblemahin ko naman ngayon ay ang Midterms sa CRes 101 sa Thursday, Rxn paper sa Film 10 at Field work sa Saturday.
So recap ng mga nakakalokang pangyayari sa buhay ko...
*****
Napalabas na raw iyong MYX encounter ko! Ano naman kaya ang hitsura ko doon?! Si Jep ang nakapanood at sinabi niya kay Mark na kinuwento naman kay Jack na siyang nagbalita sa akin. whew!
Stardom theez eez eet!!!
*****
Kanina dahil nag-cram ako ng paper for C140 nag-absent ako sa Geog 1. hanggang ngaun ay wala akong idea kung anong ginawa nila kasi wala akong number ng classmate ko doon. Goodluck!
Pero siyempre hindi ko pwedeng palampasin ang class ni Sir Teodoro. Kaso kung mamalasin ka nga naman, dahil sa lakas ng ulan hanggang sa Anonas lang ang train. Okay lang alam ko naman ang gagawin after. Marami pa naman akong time. Pero tinamaan naman ng lintik, kada station titigil ang train for 5-10 minutes. Daig pa ang mga bakaw na driver ng jeep. Well hindi naman nila pinupuno ang train, matagal lang kasi iyong pagbalik ng mga train.
Siyempre anong petsa na ako nakarating sa skul! pero keri lang, hindi pa naman ako ganoon ka-late.
*****
Tagumpay si Raine dahil nakuha na niya ang contact info ni Chubiboy. Naalala ko flinames ko silang dalawa nung Friday kasi boring iyong report sa C140.
So ang plano ni Raine ay magsimula by making anew e-mail address na hindi siya makikilala. Yes, start na ito ng professional career ni Raine as a stalker. Nag-iisip kami kanina ng mga posibleng gamitin:
Angelo: hotbitch@wherever.com at tiemeup@wherever.com
Pero para maintindihan ng maigi ang daloy ng kwento, naisingit ni Rej ang tungkol sa jackstones. Nagdala kasi si Kayc noon dati. Si Raine champion! Tapos may nagsabi na parang she's fond of playing with... at ang sabi ko BALLS!
At dito ko na naisip ang bagay na e-mail add kay Raine: shootthatball@wherever.com
Sabi naman ni Angelo hindi pwede iyon kasi babae si Raine. Dapat daw: shoottheball@wherever.com
Well Raine we've given you our suggestions. Sana i-consider mo sila. :]
*****
Panalo ang waiting for Film 10 to start namin kanina. Jamie, a classmate asked us to answer some of the questions sa Jologs Quiz niya for PanPil 17. At sobrang enjoy kasi naglabasan ang pagka-jologs naming lahat like...
... Ano ang pangalan ni Jolina sa Gimmick:
Esie! (sigaw ni Raine!)
... Anong Japanese song ang sumikat noong 1995?
Lucha and Rej: ay alam ko yan!
Lucha started humming.
Narinig ni Baj at kinanta pero clueless pa rin kami sa kung ano ang title.
Raine: {chorva chorva chorva} naibigay niya iyong sagot kaso nakalimutan ko eh. Kakaiba ka Raine!
... Ano ang tawag sa taong laging natatalo?
Angelo: burutin!
Rej and Lucha: ha?
Angelo: burutin!
Lucha: ngayon ko lang narinig iyon.
Angelo: halatang hindi kayo natatalo eh.
Lucha: Yeah, coz it takes one to know one!
hahahaha... (Angelo burutin! peace!) :]
Actually marami pa pero nakalimutan ko na. Enjoy kasi naglabasan kung sino talaga ang mga jologs. Nadiscover ko pa na may sobrang nakakaaliw na similarity kami ni Raine. Parehas kaming buong ipinagmamalaking isigaw na: MABUHAY ANG FUNNY KOMIKS!!!
*****
Kumusta naman ang Dersu Uzala na isang Russian film na pinanood namin kahapon. Pero wag ka ateh, winner iyong ng Best Picture. Thousand of years ago nga lang! :] Pero cutie-cutiehan ang story at bida. After nung screening ang premiere ng Kubrador sa UPFI. Kumusta naman ang mahabang pila at si Baj na nasa dulo ng pila di ba?! Wish ko lang naka-upo siya.
At hindi pa rin natatapos ang sangkaterbang films na kailangang panoorin. Sister Stella L naman ang drama namin sa Aug 26.
*****
Naku ang haba na nito parang iyong kilometric photo essay ni Raine. Para nga pala sa mga avid readers ko (nyaks!!!), comment lang sa ibaba okay. Wiz ko na bet and chatterbox sa sidebar. Click niyo na alng ang Anong say mo lola? para masaya.
lucia
9:00 PM
|