Tuesday



Sabog ka ba?!

Dahil sa pagod dala ng acads, hindi maiiwasan na maging sabog paminsan-minsan. Narito ang ilang account ng pagiging sabog ko with my blockamtes. Note that dahil sabog nga, may ibang salitaan na base na lamang sa pagkakaalala ng awtor.

:: Kumakain kami ni Raine sa KFC matapos ang PE last Saturday...

Raine: Ano ang float mo, coke?
Ako: Hindi, mas gusto ko ang sprite. Ayoko talaga ng sarsi or rootbeer.
Raine: Ako iyon ang gusto ko. Di ba rootbeer naman talaga kapag float?
Ako: Oo. Ang original pa nga na float iyong sa B&W.
Raine: Di ba A&W?
Ako: Ay oo nga! (laughter moments!!!)

:: Nakasakay kami ni Raine sa bus. Pauwi na galing ng Power Up...

Ako: Sinong kumanta niyan? [pertaining to the song on the radio]
Raine: Iyong sabon. Ano na nga ba iyon?
Ako: Huh?! [clueless kasi hindi naman talaga mahilig sa mga banda]
Raine: Ay Soapdish pala!!!

:: Narito pa ang ilan...

== Signboard sa isang bus: ASIA MALL

== Hirit ni Kay nang malamang basketball ang topic namin ni Raine nung Monday:

Kay: Kamukha ni Sir Jao si Marvin Cruz.
Raine and I: ...

Sa sobrang tindi ng banat ni Kay hindi kami agad nakapag-react. Matapos ang ilang segundo...

Raine and I: Hindi!!!!

Pero pramis, hindi niya talaga kamukha.

== Gustong ma-meet ni Raine si Migs de Asis!
Gusto kong ma-meet si Macky Escalona!

:: Ilang tanong na bumabagabag sa isipan ko sa kasalukuyan:

Nakita or nakasalubong ko na kaya si Buyco?

Bakit weird at hindi maka-free-throw si Cacha?

Virgin pa kaya si Marvin Cruz? Eh si Escalona?

Hay...


lucia
9:21 PM


|

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
June 2007
July 2007


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird