my GARDAN angel
Kelangan ko ng Gardan!!!!
Grabe, sobrang sakit ng katawan ko ngayon. Eh ikaw ba naman ang kumarir sa pader at maka-walong akyat sa isang araw, at matapos ang isang araw na pahinga ay umakyat ulit ng anim pa, tignan ko lang kung hindi manakit ang buo mong katawan. Ganyan ang emote ko ngayon dahil sa pe kong sportclimbing. Pero masaya talaga siya, lalo na at kasama ko ang mga blockmates ko. Hay...
Ngayon nga hindi na ako natatakot na mag-let go (ibig sabihin bumitaw sa bato at magpakalambitin sa ere). Although natatakot pa rin ako kapag masyado nang mataas at hirap na ang kamay at paa ko dahil ang liit ng ibang bato. Pero happy naman ako at may improvement. Six panel na ang naaabot ko kapatid! Ang buong wall kasi ay more or less kasing taas ng two-story na building. Huwaw!!!
Pero frustrated pa rin akong matapos ang Finals at Samson walls. Sana naman next week magtagumpay na ako.
Okay iwan muna natin ang chismax tungkol sa akin. Alam niyo ba na napaka-swerte namin kasi everytime pe namin ay nandoon si Onyok Velasco. Yes, napag-alaman namin na hindi lang boxing ang gamay niya, pinasok na rin niya ang sportclimbing at basketball. Ang version niya ng triathlon ayon kay Raine. =] Pero hindi diyan nagtatapos ang chores na kaya niyang gawin. Taga-empake rin siya ng goody bags-slash-tsinelas at screwdriver ni Baj sa tuwing nasta-stuck ang carabiner niya.
Siyempre hindi naman si O.V. talaga ang nasa amin. Kamukha lang niya. Pero asar ako sa kanya kasi ang sungit sungit niya kaya eto at nilalait ko siya sa blog ko! hmmpp!
Okay tapos na ang eksena niya sa blog ko, ako ulit.
Oh Gardan Angel where are you?!
lucia
8:29 PM
|