Mga Monochromatic na Tao at Live Show
Look Ma, no hands!
Bakit may mga prof na malakas mag-trip?
Pwede namang gumawa ng exam na 1 point each at covered lahat ng diniscuss sa classroom hindi ba? Bakit hindi man lamang mag-effort at talagang dapat ay 3 points each ang isang item na semi-objective pa?
Bakit kailangang pili at mga siguradong hindi pinagtuunan ng pansin ng mga estudyante ang pagkukuhanan ng mga tanong?
Bakit kailangang gumawa ng campaign? Lagi na lang bang campaigns ang nasa isip ng mga prof? Pulitiko ba sila?
Hay hanggang ngayon ay sad pa rin ako sa kinalabasan ng exam sa CRes 101 kahapon. Sobrang aral na nga ako tapos hindi pa iyon yung lumabas sa exam. Hay...
Mabuti na lang at may grupong ALCHEMES na maghahatid ng saya sa araw ko, bukod sa kadahilanang espesyal ang araw na ito. ahihihi...
Ang pangunahing dahilan ng pagpunta namin doon ay ang talk ni MTRCB chair Ma. Consoliza "Halaan" Laguardia. Yes, isa siyang halaan dahil kailangang iisa lang ang kulay ng get-up niya, parang si Ma'am Violy. May report kasi kami sa censorship so kailangan naming malaman kung anong say niya. Sayang naman at hindi kami nakakuha ng free passess... depressing.
Pero the best sa lahat ang film showing. LIVE SHOW! yes, ang super controversial na film noong 90's. Kaso mahina iyong sound, box-office hit kasi eh kaya siksikan. Buti na lang may"sobtaytel."
Mga natutunan sa pelikula:
1.) Dapat isa kang stuntman para makapag-live show ng successful.
2.) Ang live show ay parang isang gulong. Minsan ika'y nasa baba, minsan naman sa ibabaw.
3.) Meron ding mga sitwasyong lilipad ka sa ere. Sa pagkakataong nasa ere ka na, maaari kang sumigaw ng, "Look Ma, no hands!"
4.) Kung gusto mo namang i-survey ang scene, magala-elisi ka!
5.) At panghuli, chaka ang mga naglalive show. Ang chaka rin ni Ogie Diaz. Yuck!
Oo nga pala,
Laguardian Angel, ang corny mo!
lucia
8:11 PM
|