Sunday



Dahil minsan lang itong mangyari...

Kinailangan kong ihinto ang lahat ng kailangan kong gawin kahit na mahaba-haba pa ang hindi ko nagagawa noong Linggo ng umaga. Sa kadahilanang sa wakas ay natiyempuhan na rin namin ng ate ko ang pinakahihintay naming episode ng Talk Asia. Hay... sulit naman. Para sa minamahal kong F4 go lang!

Siyempre hindi ko na naman napigilan ang sarili kong magtititili sa harap ng telebisyon nung makita ko si Vic at Ken. Hay, i remember the days...

At dahil sila Vaness at Ken lang naman ang marunong mag-ingles, karamihan ng tanong ay sila ang sumasagot. Lalo na si Vaness. Pero once in a while nakakatuwa at sumasagot din sila Vic at Jerry. Natatawa pa nga ako sa hitsura ni Vic kasi nasa gilid siya, para siyang kawawa. hehehe...

Ang gwapo ni Vic!!!

At siyempre si Jerry na windang ay may matindi-tinding banat. Tinanong kasi sila kung paano nila hinahancle ang mga paparazzi. Si Ken sabi eh di mag-stay lang sa bahay. At siyempre hindi padadaig si Jerry. Dapat ay may linya din siya. Sabi niya, "oh yeah DVDs! I watch DVDs when I'm at home." Oh di ba ikonek ba ang sinabi ni Ken na pag-stay sa bahay sa panonood ng DVD. hay, laughter moments!!!

Sa loob ng 30 minuto, pinasaya ng F4 ang araw ko. :]

Sana bumalik ulit sila dito sa Philippines as a group. Manonood ulit ako ng concert kahit na parang langgam lang sila sa view ko. Pero mas maganda rin kung may sponsor at palalakihin ang tingin ko sa kanila.


lucia
11:10 PM


|

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
June 2007
July 2007


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird