Wednesday


crocs


may isang malaking wish ako ngayong mga panahon na ito eh. hindi ko muna masyadong pinagtutuunan ng pansin ang rebond ng buhok dahil hindi pwede hanggat may p.e. classes pa ako. sa susunod na lang iyon.

ewan ko ba. may pagkaluka-loka kasi ako eh. hindi nga. ang tatak ng picture na nasa itaas ay crocs. sandal-rubber-footwear-i-don't-know but still feel na feel ko pa rin siya. alam ko medyo parang weird ang look niya pero cute pa rin siya para sa akin.

kaso siyempre kaya ko nga siya isang wish dahil may problema. una, maliit ang aking paa. yes, medyo hindi proportion ang paa ko sa katawan ko. hindi ko naman sinasabi na maskulado ako ano, pero basta maliit at payat lang talaga ang paa ko. kaya nga lagi akong hirap bumili ng sapatos at maging ang havaianas ko ay kinailangan ko pang pa-tapyasan.

ikalawa, may kamahalan ang footwear na ito. $30 lang naman mga ateh! like hello, rubber shoes na iyon kapatid. hehehe... pero gagawa pa rin ako ng paraan para makakuha ng isa. sana lang mag-succeed ako. hehehe... sana mas mura siya sa HK kasi...

or sana ang galanteng makakabasa nito ay magbibigay sa akin sa pasko or bday ko. hehehe... punta ka lang ng rustans. hehehe...


lucia
5:46 PM


|

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
June 2007
July 2007


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird