Friday



humanda na naman para sa isang mahabang post. medyo tinatamad at busy rin ako at the same time this week kaya talagang lingguhan ang update, kung update nga iyong matatawag.

***

sobrang thankful ako at may bagyo. sa totoo lang ayoko talaga ng ulan, pero medyo maganda ang timing ni Glenda kaya ayos! marami kasi akong kelangan gawin na hindi ko pa nagagawa. andyan iyong survey questionnaires na ipapasa dapat sa Wednesday. buti na lang at inextend ni Ma'am U until Monday. Tapos pati and Review of Related Lit ng paper namin dapat due din this last Wed, buti na lang at next week na lang.

***

So SONA ni GMA. leche nasa pwesto pa rin siya. anyway hindi ko naman masyadong na-savor ang panonood ng sona kasi nakatulog ako. hehehe... although medyo funny kasi may mga special appearances pa ng kung sinu-sinong tao. ang politics talaga dito sa pilipinas, showbiz! kahit pa sabihin niya na she's not going to talk about politics, obvious naman ang politicking sa speech niya.

although indirectly niyang sinabi ang need for a change in our constitution, may mga patama naman siya about ibalik ang lugar or something sa mga mamamayan. Eh di about federal thing iyon di ba. Tsaka iyong mga patutsada niya na magagawa ang mga iyon (wish list niya) kapag clear na ang saligang batas. bullshit!

***

After ng mahabang vacation ay may pasok na ako nung Thursday. At kung mamalasin ka nga naman. Grabe ang haba ng pila para makasakay ng jeep sa katips. parang nagbabakasyon pa ang mga driver kasi iilan lang talaga iyong jeep na andun. sobrang haba ng pila na pa-zig-zag na siya. Buti na alng ang bait ni Raine at sinamahan niya ulit ako sa dulo ng line kahit na medyo malapit na siya makasakay.

Kaso malas talaga eh. Na-flat ang isang gulong nung jeep na sinasakyan namin nung bandang nasa Ateneo na kami. So kumusta naman iyon?! We had to wait for manong driver to change the tire pa. It took him almost 20 minutes. eh traffic pa di ba. At medyo sa Maskom pa kami so matagal pa ang biyahe. Ayun late kami. hehehe... Sa likod na tuloy kami naka-upo. huhuhu...

***

Lumabas na ang results ng exam namin sa Physics. Amazing ang score ko! Although amdali lang naman talaga ang exam, I didn't expect na ganoon "kataas" ang makukuha ko. Hehehe sobrang happiness talaga!!!

Speaking of Physics, natawa naman daw ako sa nakalagay sa mga emails ni Sir Arciaga sa amin, "I am mathematically, geologically, biologically, chemically, and physically handsome." Sige lang Sir mangarap ka! hehehe... Check out his website. Judge him yourself. hehehe... click niyo iyong photos or works niya. sasambulat sa inyo ang fez ng lolo. Nakakatuwa din kasi may background music pa talaga fit for a royal blood. hehehe... as if. lol.

At hindi pa nagtatapos ang issue ko kay Sir. Medyo mapang-okray kasi ang lolo mo eh, so kelangan malagay iyan sa blog ko. Bet ko kasi ang mga okray people! Sa exam kasi namin, may bonus questions na sasabihin mo lang kung ano ang likes and dislikes mo sa class niya. Then sa likes, may classmate ako na nilagay ang mga seatmates niya. Sabi ba naman ng lolo mo, "Bakit ngayon ka lang ba nagkaroon ng kaibigan?" As in laughter moments talaga! Then may isang girl naman na wiz niya like (meaning hindi niya like) ang tawanan sa klase kasi hindi raw niya ma-gets. At ang reply ng lolo mo, "Slow?!" Ay ang bad talaga! Pero enjoy din!

***

Okay last na ito. Nag-reply kasi ang prof ko sa Film sa email ko sa kanya. At sa ibaba ng mail niya ay nakalagay:

^^^***---___---***^^^
because there is such a thing as
freedom of _expression...
and fabulousness!
click here

***

Okay so iyan ang happenings sa life ko. Now I have to go back to my readings and my RRL. gudlak naman sa akin!


lucia
9:44 PM


|

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
June 2007
July 2007


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird