Darna!
Nag-start ba kaming umakyat sa Sportclimbing. Sa wakas naman. Pero katulad ng ibang mga "first time," sobrang kinabahan ako. Medyo okay pa naman noong tinuturo ni Sir Jao ang mga gagawin sa pag-akyat, pero nung may nag-demo, OMG, parang hindi ko ata kaya.
Wala si Christopherson kaya jumoin si Angelo sa amin ni Baj. Ayun para kaming mga sirang tawa ng tawa. hahaha...
Siyempre iyong pinakamadali na ang inuna namin: ang kiddie walk!!! So nauna na si Baj then ako. Inilalagay palang iyong harness sa akin sobrang kinakabahan na ako. Tapos nag-start na akong umakyat. Afraif talaga ako sa matataas na lugar kaya habang umaakyat ako feel na feel kong ang taas taas ko na. Hay sobrang nanginginig na ang mga kamay ko. gusto ko ng bumaba! pero kiddie walk lang iyon kaya kailangan ko siya matapos. Pagdating ko sa tuktok... ayyy... gusto ko ng mamatay! grabe nakakaloka talaga!!! Parang ayoko bumaba kasi natatakot ako. ni hindi nga ako tumitingin sa baba eh. Buti na lang at kinaya pa naman ng powers ko na makababa kahit papaano.
Enjoy ang day ko ngayon. Kaso dalawang walls lang ang naakyat namin eh. Iyong pangalawa akyat-akyatan lang (up to the third panel nga lang eh). hehehe... nung nga pababa na ako biglang nag-swing iyong tali, ala-Darna tuloy ako sa ere! :]
lucia
9:27 PM
|