ang demanding ng CRes
NOTE: walang kawawaan ang mga susunod ninyong mababasa, pero siyempre may pango-okray pa rin. pwede ba namang mawala iyon?!
Ang linggong nagdaan. Yikes ang drama!
Well umpisahan na natin noong sabado na sobrang saya kasi i got to see my former high school friends again. kaya lang medyo ten years akong naghintay sa tokyo tokyo kasi medyo todo-ayos pa si jack eh. lolz. mabuti na lang at perfect ang california maki at kahit papaano ay may pampalubag-loob. habang nasa tokyo tokyo ako dumating si winnie cordero (tama ba isfelings?) mukha siyang nanay. hahaha. hindi naman sa masamang maging nanay ano pero basta ordinary, ayun, yun pala dapat ang term. ordinary siya. hindi dapat siya ang endorser ng enervon. i expected her to be jumping jumping all over the place. lolz.
anyway, buti na lang at hindi rin naman traffic so smooth sailing ang ride sa taxi. si manong driver nagbalak pang makisali sa kainan. hehehe... at syempre early birds na naman kami.
hay, kelan kaya matututo ang einstein na maging on-time?!
sa rooftop ang drama ni princess sarah, ay alpha pala. favorite niya kasi si camille eh. peace alps. aba childrens party pala. hehehe... pero enjoy naman ang parlor games. sad nga lang kasi lagi kaming maagang matanggal ng partner ko. ibang klase rin ang mga bagets dun sa ASCF ha, sabi nga namin ni angelica naka-attend na ata ng sandamukal na leadership training ang mga ito eh, hindi sila nahihiya. kung ako siguro andun, wallflower lang ako.
i got to meet some of alpha's friends sa UPM at xempre ang get together ng aming class. sobrang ang daming nag-mature ang fez. si KR mukhang tatay. (hehehe...)
anyway, hindi ko na idedetalye. masyado mahaba eh. medyo late nga lang ako nakauwi. hehehe... buti na lang hinatid ako nila jack and fresan. wow!
sunday: birthday ni beklitang ses. well sa UP na lang ang pakain ha!
okay ito na talga ang tunay na week...
monday, sportclimbing ulit. medyo karir na namin ang pag-akyat sa mga walls. saya! although kinakabahan pa rin lalo na kami nagswe-sway ka sa ere. sobrang nakakatakot.
sa physics naman si sir blanca pa rin ang prof. ui crush ni raine. hahaha... anyway sana hindi siya gaanong nagsusuot ng fit na top kasi halatang nilalamig siya eh. bakat kasi. hahaha...
naku sick pala si lolo teddy. kelan namn kaya siya papasok medyo ilang meetings na na wala siya eh. so tambay na lang ulit sa maskom lib. at may napansin lang ako sa mga cmc studes. medyo marami pala ang balat kalabaw sa maskom ano. sobrang lamig sa lib pero ang damit parang nasa bahay or beach lang.
sa film naman we watched elephant, winner sa cannes film fest. sosyal! anyway, we were supposed to take note of the different shots at lighting sa film. kaso nung second screening na, nakatulog ako. hahaha... pero maganda naman iyong film, all about school killings. i wonder, bakit sa philippines walang ganoon. sana kahit isa meron. pero wag naman sa UP. hahaha...
natuloy na rin sa wakas and pakain ni sesinanda. at least nagkaroon ako ng time off sa super stressful na acads. so isaw muna! *yum yum*
wednesday na nga alng ang pahinga ko, i had to go to school pa. we attended sir paragas' colloqium. nung afternoon we consulted ma'm vau for our cres paper. yes! at last, final na rin ang topic namin. *big grin*
siyempre hindi nagtatapos sa research paper sa CRes 101 and pagmamaltrato ng CRes sa amin. dagdagan mo pa iyon ng survey questionnaires na kelangan maipasa next wednesday. although kung tutuusin mas madali pa iyon ha kasi pre-test lang. eh paano naman kapag iyong actual na survey na. hay... sobrang pahirap ha. sino nagsabing walang ginagawa sa CRes. kayo, try niyo. sobrang demanding!
kahit friday na kahapon hindi pa rin okay kasi may exam pa ako kanina sa physics eh. sa C140 nag-talk lang si Sir Knee from Ohio University. "friend" daw siya ni sir paragas. hahaha intriga ito! ang masasabi ko lang sa kanya, sana hindi na lang siya nag-belt kung maya't maya niya ring itataas ang pants niya. hahaha...
so ayun nga, exam ko sa physics kanina. nakakatuwa kasi sa attendance sheet nakalagay kung how did we find the exam. iyong iba sabi hirap daw nung essay. siyempre dahil tinatamad na naman akong mag-elaborate ng mga hinaing ko, nilagay ko: keri lang!
at sana keri lang din ang san tambak na gagawin for CRes 101. idagdag mo pa ang ever pa-importanteng GE na geog 1.
hayy... haba rin nito ha. kapagod. well waddya expect, busy ang lola mo so weekly ang pag-update ng blog.
lucia
11:14 PM
|