humanda na naman para sa isang mahabang post. medyo tinatamad at busy rin ako at the same time this week kaya talagang lingguhan ang update, kung update nga iyong matatawag.
***
sobrang thankful ako at may bagyo. sa totoo lang ayoko talaga ng ulan, pero medyo maganda ang timing ni Glenda kaya ayos! marami kasi akong kelangan gawin na hindi ko pa nagagawa. andyan iyong survey questionnaires na ipapasa dapat sa Wednesday. buti na lang at inextend ni Ma'am U until Monday. Tapos pati and Review of Related Lit ng paper namin dapat due din this last Wed, buti na lang at next week na lang.
***
So SONA ni GMA. leche nasa pwesto pa rin siya. anyway hindi ko naman masyadong na-savor ang panonood ng sona kasi nakatulog ako. hehehe... although medyo funny kasi may mga special appearances pa ng kung sinu-sinong tao. ang politics talaga dito sa pilipinas, showbiz! kahit pa sabihin niya na she's not going to talk about politics, obvious naman ang politicking sa speech niya.
although indirectly niyang sinabi ang need for a change in our constitution, may mga patama naman siya about ibalik ang lugar or something sa mga mamamayan. Eh di about federal thing iyon di ba. Tsaka iyong mga patutsada niya na magagawa ang mga iyon (wish list niya) kapag clear na ang saligang batas. bullshit!
***
After ng mahabang vacation ay may pasok na ako nung Thursday. At kung mamalasin ka nga naman. Grabe ang haba ng pila para makasakay ng jeep sa katips. parang nagbabakasyon pa ang mga driver kasi iilan lang talaga iyong jeep na andun. sobrang haba ng pila na pa-zig-zag na siya. Buti na alng ang bait ni Raine at sinamahan niya ulit ako sa dulo ng line kahit na medyo malapit na siya makasakay.
Kaso malas talaga eh. Na-flat ang isang gulong nung jeep na sinasakyan namin nung bandang nasa Ateneo na kami. So kumusta naman iyon?! We had to wait for manong driver to change the tire pa. It took him almost 20 minutes. eh traffic pa di ba. At medyo sa Maskom pa kami so matagal pa ang biyahe. Ayun late kami. hehehe... Sa likod na tuloy kami naka-upo. huhuhu...
***
Lumabas na ang results ng exam namin sa Physics. Amazing ang score ko! Although amdali lang naman talaga ang exam, I didn't expect na ganoon "kataas" ang makukuha ko. Hehehe sobrang happiness talaga!!!
Speaking of Physics, natawa naman daw ako sa nakalagay sa mga emails ni Sir Arciaga sa amin,
"I am mathematically, geologically, biologically, chemically, and physically handsome." Sige lang Sir mangarap ka! hehehe... Check out his
website. Judge him yourself. hehehe... click niyo iyong photos or works niya. sasambulat sa inyo ang fez ng lolo. Nakakatuwa din kasi may background music pa talaga fit for a royal blood. hehehe... as if. lol.
At hindi pa nagtatapos ang issue ko kay Sir. Medyo mapang-okray kasi ang lolo mo eh, so kelangan malagay iyan sa blog ko. Bet ko kasi ang mga okray people! Sa exam kasi namin, may bonus questions na sasabihin mo lang kung ano ang likes and dislikes mo sa class niya. Then sa likes, may classmate ako na nilagay ang mga seatmates niya. Sabi ba naman ng lolo mo, "Bakit ngayon ka lang ba nagkaroon ng kaibigan?" As in laughter moments talaga! Then may isang girl naman na wiz niya like (meaning hindi niya like) ang tawanan sa klase kasi hindi raw niya ma-gets. At ang reply ng lolo mo, "Slow?!" Ay ang bad talaga! Pero enjoy din!
***
Okay last na ito. Nag-reply kasi ang prof ko sa Film sa email ko sa kanya. At sa ibaba ng mail niya ay nakalagay:
^^^***---___---***^^^
because there is such a thing as
freedom of _expression...
and fabulousness!
click here***
Okay so iyan ang happenings sa life ko. Now I have to go back to my readings and my RRL. gudlak naman sa akin!
lucia
9:44 PM
|
ang demanding ng CRes
NOTE: walang kawawaan ang mga susunod ninyong mababasa, pero siyempre may pango-okray pa rin. pwede ba namang mawala iyon?!
Ang linggong nagdaan. Yikes ang drama!
Well umpisahan na natin noong sabado na sobrang saya kasi i got to see my former high school friends again. kaya lang medyo ten years akong naghintay sa tokyo tokyo kasi medyo todo-ayos pa si jack eh. lolz. mabuti na lang at perfect ang california maki at kahit papaano ay may pampalubag-loob. habang nasa tokyo tokyo ako dumating si winnie cordero (tama ba isfelings?) mukha siyang nanay. hahaha. hindi naman sa masamang maging nanay ano pero basta ordinary, ayun, yun pala dapat ang term. ordinary siya. hindi dapat siya ang endorser ng enervon. i expected her to be jumping jumping all over the place. lolz.
anyway, buti na lang at hindi rin naman traffic so smooth sailing ang ride sa taxi. si manong driver nagbalak pang makisali sa kainan. hehehe... at syempre early birds na naman kami.
hay, kelan kaya matututo ang einstein na maging on-time?!
sa rooftop ang drama ni princess sarah, ay alpha pala. favorite niya kasi si camille eh. peace alps. aba childrens party pala. hehehe... pero enjoy naman ang parlor games. sad nga lang kasi lagi kaming maagang matanggal ng partner ko. ibang klase rin ang mga bagets dun sa ASCF ha, sabi nga namin ni angelica naka-attend na ata ng sandamukal na leadership training ang mga ito eh, hindi sila nahihiya. kung ako siguro andun, wallflower lang ako.
i got to meet some of alpha's friends sa UPM at xempre ang get together ng aming class. sobrang ang daming nag-mature ang fez. si KR mukhang tatay. (hehehe...)
anyway, hindi ko na idedetalye. masyado mahaba eh. medyo late nga lang ako nakauwi. hehehe... buti na lang hinatid ako nila jack and fresan. wow!
sunday: birthday ni beklitang ses. well sa UP na lang ang pakain ha!
okay ito na talga ang tunay na week...
monday, sportclimbing ulit. medyo karir na namin ang pag-akyat sa mga walls. saya! although kinakabahan pa rin lalo na kami nagswe-sway ka sa ere. sobrang nakakatakot.
sa physics naman si sir blanca pa rin ang prof. ui crush ni raine. hahaha... anyway sana hindi siya gaanong nagsusuot ng fit na top kasi halatang nilalamig siya eh. bakat kasi. hahaha...
naku sick pala si lolo teddy. kelan namn kaya siya papasok medyo ilang meetings na na wala siya eh. so tambay na lang ulit sa maskom lib. at may napansin lang ako sa mga cmc studes. medyo marami pala ang balat kalabaw sa maskom ano. sobrang lamig sa lib pero ang damit parang nasa bahay or beach lang.
sa film naman we watched elephant, winner sa cannes film fest. sosyal! anyway, we were supposed to take note of the different shots at lighting sa film. kaso nung second screening na, nakatulog ako. hahaha... pero maganda naman iyong film, all about school killings. i wonder, bakit sa philippines walang ganoon. sana kahit isa meron. pero wag naman sa UP. hahaha...
natuloy na rin sa wakas and pakain ni sesinanda. at least nagkaroon ako ng time off sa super stressful na acads. so isaw muna! *yum yum*
wednesday na nga alng ang pahinga ko, i had to go to school pa. we attended sir paragas' colloqium. nung afternoon we consulted ma'm vau for our cres paper. yes! at last, final na rin ang topic namin. *big grin*
siyempre hindi nagtatapos sa research paper sa CRes 101 and pagmamaltrato ng CRes sa amin. dagdagan mo pa iyon ng survey questionnaires na kelangan maipasa next wednesday. although kung tutuusin mas madali pa iyon ha kasi pre-test lang. eh paano naman kapag iyong actual na survey na. hay... sobrang pahirap ha. sino nagsabing walang ginagawa sa CRes. kayo, try niyo. sobrang demanding!
kahit friday na kahapon hindi pa rin okay kasi may exam pa ako kanina sa physics eh. sa C140 nag-talk lang si Sir Knee from Ohio University. "friend" daw siya ni sir paragas. hahaha intriga ito! ang masasabi ko lang sa kanya, sana hindi na lang siya nag-belt kung maya't maya niya ring itataas ang pants niya. hahaha...
so ayun nga, exam ko sa physics kanina. nakakatuwa kasi sa attendance sheet nakalagay kung how did we find the exam. iyong iba sabi hirap daw nung essay. siyempre dahil tinatamad na naman akong mag-elaborate ng mga hinaing ko, nilagay ko: keri lang!
at sana keri lang din ang san tambak na gagawin for CRes 101. idagdag mo pa ang ever pa-importanteng GE na geog 1.
hayy... haba rin nito ha. kapagod. well waddya expect, busy ang lola mo so weekly ang pag-update ng blog.
lucia
11:14 PM
|
happy birthday beklas
this post is dedicated (naks!) to my high school barkada: the beklas.
its ses' and alpha's debut. so sana mabusog naman ako. hehehe... sana kasi hindi magkasunod ang birthday niyo di ba para may time akong makabili ng gifts para sa inyong dalawa na kasya sa budget. anyway, bahala na.
So here's my paunang gift for you two. (pauna siya as i said, wish niyo lang may sumonod pa!) :]
medyo matindi-tinding effort din ang mga pinaggagawa ko sa pics na iyan ha. wish ko lang ma-appreciate niyo. bruha kayo!!! hahaha...
fyi: ang name naming beklas ay nagmula sa malikhaing utak ni angelica. ayaw kasi namin na mag-stay sa journalism room so we made a note sa board. ayun, binola bola namin ang sp adviser namin. in the end nakalagay: from ylmaz beklas.
syempre bet ko naman na kilala niyo si ylmaz. ang hubby ni ruffa g. eh dahil kami ay walang kasing bakla kung magaarte, nagkaroon ng variation at naging beklas. saya!
ayan hindi ako nagpapatawa ha, fyi yan.
o siya, tama na ang pagmamaganda! blog ko ito kaya enough of your faces here. hehehe...
lucia
7:30 AM
|
Darna!
Nag-start ba kaming umakyat sa Sportclimbing. Sa wakas naman. Pero katulad ng ibang mga "first time," sobrang kinabahan ako. Medyo okay pa naman noong tinuturo ni Sir Jao ang mga gagawin sa pag-akyat, pero nung may nag-demo, OMG, parang hindi ko ata kaya.
Wala si Christopherson kaya jumoin si Angelo sa amin ni Baj. Ayun para kaming mga sirang tawa ng tawa. hahaha...
Siyempre iyong pinakamadali na ang inuna namin: ang kiddie walk!!! So nauna na si Baj then ako. Inilalagay palang iyong harness sa akin sobrang kinakabahan na ako. Tapos nag-start na akong umakyat. Afraif talaga ako sa matataas na lugar kaya habang umaakyat ako feel na feel kong ang taas taas ko na. Hay sobrang nanginginig na ang mga kamay ko. gusto ko ng bumaba! pero kiddie walk lang iyon kaya kailangan ko siya matapos. Pagdating ko sa tuktok... ayyy... gusto ko ng mamatay! grabe nakakaloka talaga!!! Parang ayoko bumaba kasi natatakot ako. ni hindi nga ako tumitingin sa baba eh. Buti na lang at kinaya pa naman ng powers ko na makababa kahit papaano.
Enjoy ang day ko ngayon. Kaso dalawang walls lang ang naakyat namin eh. Iyong pangalawa akyat-akyatan lang (up to the third panel nga lang eh). hehehe... nung nga pababa na ako biglang nag-swing iyong tali, ala-Darna tuloy ako sa ere! :]
lucia
9:27 PM
|
"Ito ang inyong Tiya Dely"
Ang mga naganap sa naganap na UP Gawad Plaridel 2006:
- Si Fidela "Tiya Dely" Magpayo ang awardee this year. She has been a media practitioner (specifically sa radio) for 67 years now.
- Si Ate Vi!!! Yes present din ang awardee last year na si Miss Vilma Santos (for film naman). At siyempre naman daw mas tinilian pa siya kaysa kay Tiya Dely.
- Hindi rin nagpatalo ang faculty ng Comm Res Dept. Ma'am Aguila was Hot! Hot! Hot! Super sexy niya in her crimson red dress. Si Ma'am San Pascual naman looked cute sa colorful top niya. And Ma'am David looked so sophisticated in her suit. Nakita ko na rin si Ma'am Pernia. She's the new dean of CMC.
- Sa thank you speech ni Tiya Dely, nabanggit niya ang mga members ng board na in-charge sa pagpili ng awardee. She said thank you to Lourdes "Cortez." At sino naman kaya si Lourdes Cortez?! Hahaha... she was referring pala to Ma'am Lourdes Portus, ang CMC College Sec. Hahaha...
- Enjoy naman ang buong event, kaso nga lang ano naman ang ilalagay ko sa reaction paper ko sa Film 10? Hindi kasi nag-lecture per se ang lola mo. Kundi nambola at nag-thank you lang siya sa tagal ng itinayo niya sa stage. I guess kelangan ko rin siyang gayahin, bobolahin ko na lang ang reaction paper ko. hahaha...
lucia
7:47 PM
|
happy day!
Sobrang enjoy ang morning namin kaninang SCL buddies.
Ma'am Cuerdo called Sir Jao at sa gym namin kelangang magpunta. The reason: may practice ng cheering for the UAAP. So sa 10 am batch na kami kasali.
After nag-check ng attendance si Sir Jao sa new gym, pasok na kami sa "warehouse." On our way there, we saw Marvin Cruz. WEll deadma muna. pero "muna" lang iyon, pero paglagpas namin... wahhhhh... sobrang naloka ako!!! Makalaglag panty ateh!
Then start na ng practice. We were seated sa highest row ng bleachers. Then si Kay may na-sight na papalicious. Infairness, mabilis din ang radar nitong si Kay ha. :] Sabi niya, "cutte iyong naka-red." And true, ang gwapo nga.
So nagkaroon pa ng matinding debate sa pagkatao ni papalicious naka-red. Sabi ni Raine kamukha noong taga-Anime, iyong all boys dance group. Pero parang malabo eh. Ano naman daw ang ginagawa niya sa UP hindi ba?!
Sa gitna ng practice medyo lumapit si papalicious naka-red. At sight na sight namin, true nga, siya nga!!! Wahhh... ang gwapo!!!
Tapos na ang practice at nawala si papalicious naka-red. Pati ang supposed to be speech ni hotness papa Marvin Cruz ay hindi natuloy. We've been deceived!!!
And parang angel (?) na nahulog sa langit itong si Ronan, ang dakilang ex-blockmate namin na nag-shift sa ayaw niyang ipaalam na course. So nagkachikahan muna ng kaunti.
On our way sa CMC we saw this Anime boylet again. So activated na naman ang kabaliwan namin. Siyempre si Kay ulit ang nakakita sa kanya. Feeling ko may super powers si Kay at nadedetect niya agad kung nasaan ang mga papa. hehehe... Sumakay na siya sa service niya. Binalak pa ni Baj na magpasagasa just for the sake na makita siya.
Nasa Vanguard naman kami nang biglang mag-apparition itong si papa Marvin. Ayyy... kaloka!!!
At nahulog muli mula sa langit (?) itong si Ronan. Nakita namin siya sa may kanto ay siya na ang nag-inform sa amin na si Anime boy ay si Mhyco/Mico Antona (not sure na spelling) na isang freshie kumukuha ng Theatre Arts. Madalas din daw siyang tumambay sa may FC kaya may bago na kaming tambayan. :]
So expect niyo na alng na pakalat-kalat kami doon looking for papalicious naka-red. :]
===
Speaking of celebrities, nakita namin ni Jack si Carlene Aguilar sa FC. Well hindi ko alam kung bakit siya andoon. Wala na akong pake doon. Ang masasabi ko lang, hindi sila bagay ni Dennis Trillo! hahaha...
lucia
9:58 PM
|
Skirt Day!
Last Tuesday our block (well most of us that have the same Comm 140 class), decided to wear skirt on Friday. Well inspired by Kay's wardrobe that day. Well we just did it for fun. Try try lang.
Friday came and I went to school wearing pants. Sadly, there's my monthly enemy that hindered me from wearing skirt. It would have been the first time I'll be showing the world my fresh digs from my sister's baul. Hahaha... she's not that ancient pa naman. Well not really. Basta. the clothings I've been talking about were sent by our relatives abroad. My mom and I, while disposing some of our unnecessary stuff last summer, found this black skirt with white design on it. It's more of an ukay already. But nonetheless, okay na rin.
So there, I was kinda sad I wasn't able to comply with the arrangements for the day. Maybe next time. When my enemy is gone.
And before I end this post, let me just congratulate
Raine for looking wonderful last Friday. Of course Block K3 is full of gorgeous ladies. But it was the first time we saw Raine in a lady-like outfit. Hurray!!! Actually she was the one hesitant at first in wearing skirts. Well, I wish you could have seen her. Wahhh... she's fantastic. *big smile*
lucia
9:09 PM
|