Monday


the powerpuff girls
My mom and I went to a party last Saturday. Siyempre napilitan lang akong sumama. It was the debut of her best friend's daughter. Siyempre sosyal ang drama ng debut. They're from the States talaga. Pero for some reason, their children decided to stay here in the Phil. to give it a try. So ayun, 2nd year student ngaun si debutant sa UST taking Pharmacy.

Medyo hindi talaga ako mahilig sa mga party. hindi naman sa anti-social ako pero wala lang talaga ako sa mood that time. And besides, sino naman ang kakausapin ko doon. Well kilala naman ako ng mommy ng celebrant pero siyempre hindi naman ako ganoon ka-special para ako lang ang i-entertain niya hindi ba. I doubt nga rin kung kilala ako nung celebrant. I met her once pa lang, when we went to their flat. But of course, the usual hi-hello lang.

Pero no choice pa rin. Kailangan kong samahan si mama. Siyempre problema ko pa kung ano ang isusuot ko. Eh hindi nga ako mahilig sa mga ganoon, meaning wala rin akong isusuot. Good thing open for consumption naman ang closet ng sis ko. So wardrobe, check!

Eh paano naman ang hair and make-up. Siyempre open din for services ang sis ko so siya na ang bahala sa lahat. Buti na lang reliable pa rin ang plantsa ko sa hair. So hair and make-up, check!

Okay, so ready na ako. So go na kami sa Heritage Hotel.

Well for some reason may hindi pagkakaunawaan ang mag-best friend. Sabi 6pm ang start. Well when we got there, dear 7 pa pala. So di ba parang sobrang atat naman kami. Kainis talaga.

Anyway, hindi na ako magdedetalye kung gaano kaganda at kabongga ang party. As expected wala akong kausap. So na-activate na lang ang okray powers ko. At infairness, nag-enjoy ako sa pang-o-okray dahil nakakatawa talaga ang ibang bisita.

Ang pinaka nakapagpaligaya ng gabi ko ay ang powerpuff girls. It doesn't mean na tatlo lang sila. Basta gusto ko lang na ppg ang ipangalan sa kanila. So okay, lets begin.

There was this bunch of people from the province. The parents kasi of the celebrant invited their relatives and friends from the province. So there, isang table sila na mga malalayong kamag-anak ng father ni bday girl. Well, how I wish na sana naging creative naman sila sa outfits nila. Well it doesn't mean naman na sosyal ang venue ay kailangang may uniform sila hindi ba. Well from the same family lang ang mga colors ng gowns nila. By the way, kung walang maisuot pwedeng mag-pants. Either orange or red lang. eh hindi naman sila kaputian. naku day kitang-kita ang contrast!!! Nakakaloka talaga.

Imagine this, they were gathered sa isang part of the room. Imagine how stiking that part of the room was!!!

Well hindi lang damit ang na-okray ko sa kanila. Pati ang hair. Kailangan ba talaga one sided lang ang hair. Kaloka. parang may ibon na nakasabit sa gilid ng ulo nung isa sa kanila. If only I brought our cam. Sana you would be able to see how funny it went.

At hindi pa nagtatapos ang lahat doon. Pati ang manners kapatid, my god, nakakaloka. Tama bang makipag-unahan sa akin sa pagkuha ng food. Pati sa pagkuha ng butterflies tama bang makipagkarera pa sa iba. My, swear nakakaloka talaga. If only I had brought a pen I would have described them more in detail.

Hay, how funny talaga ang gabing iyon. Siyempre umuwi akong pagod kahit wala naman akong ginawa doon except manglait. hahaha...


lucia
9:56 PM


|

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
June 2007
July 2007


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird