ang topic ng post na ito ay ang naganap na candlelight memorial nung sunday. kaming mga virus ay napag-desisyunan na magsuot ng black at mag-cap (kaso nakalimutan ko iyong huli).
anyway sa tapat ng quezon city hall ginanap iyong event. okay naman ang venue, ang problema nga lang ay ang kaunti lang ng dumating. karamihan ay mga peer educator at mga hakot nila. andun din xempre ang staff ng PRRM. at ang pinaka-shocking sa lahat for me-- UST interns.
happy naman kaming tatlo nila raine at may dumating na media at pati iyong mga ibang guest ay nakarating din. am not sure lang kung may mga donation sila.
so a little past six nagstart na iyong program. after that, may concert. kami ang in-charge sa pamimigay ng food. at dito sa portion na ito medyo nag-umpisa na akong ma-disappoint. hindi naman sa pamimigay ng food kundi sa mga nakita at narinig ko.
medyo na-cornihan ako sa mga banda. although i respect naman their music. its just that hindi ko sila feel. actually hindi naman din talaga ako mahilig sa sobrang ingay na mga ganon eh.
as i expected mga jologs siyempre ang madlang mga kabataang andoon. my god feeling ba nila ang cool ng itsura nila. duh?! ayoko talaga sa ganoong mga tao. ewww...
okay enough of those things. actually ang isa rin naman sa ipinunta namin doon ay iyong ka-block namin, si baj. may banda kasi iyong brother niya so tumugtog sila. xempre sabi ko na nga ba hindi makaka-relate ang mga jologs na audience dahil medyo iyong mga kinanta nila ay sa foreign artists. sad part lang, hanggang third song lang ako nung performance nila. medyo late na kasi at i had to go home na.
------
first time namin nila jack at raine na makapunta sa quezon city circle. isang malaking achievement. yipee...
lucia
11:38 PM
|