okay, i know its kinda late for me to be posting the pictures of my birthday party last feb. but who the hell cares. so here they are. well i don't know if the pictures would turn out right for i just reduced its size here. forgot to do it sa photoshop. might be a little pixellized or something, well who cares about the right terms anyway?!
Okay so here they are...
THE visitors. From left: mark, angie, jack, kenneth, karen, ron, ses, alpha, kim. (This pic was actually taken before they went home.)

WITH the celebrant. Of course, it wouldn't be complete without the goddess herself. hihi...

WACKY?! Anong epek naman ito kapatid?! ayan parang class picture may formal then may wacky. ayan, naglalabasan na ang tunay na nature ng mga bisita ko!

Ayan, nag-umpisa na silang maging-high. nakahawak na kasi ng mic eh. Hala, pili na ng song na kakantahin. kung pwede lang na tig-isa na ang mga ito ng TV para wala ng agawan.

Pero infairness nahihiya rin naman sila (pwede pala un?!). Si angie at karen kunwari pa, sabik namang kumanta. Hala, si ses ang saya pa rin kahit kawawala lang ng cellphone.

SECURED. Ayan, napasakamay na ng mga Bakawan ang magic sing. Sorry na lang kina ronel at no chance na pakantahin pa sila ng mga iyan.

YOU can do it!!! Pero talbog ang lahat kapag kumanta na si Kim. Walang makakatalo sa singing prowess niyan. Iba'ng level! kesehodang magsilabasan na ang mga ugat niya sa leeg. KEBER!

Ayan laos ang beauty ng mga beklas. Sige nood na lang kayo. Wait na lang na kumuha ng foodam si kim para maka-try na mag-sing.

Pa-min-ta! hala, kumanta naman kayo. Si mark wishing pa rin ma-contact ung phone ni ses.

PUWEDE pa-join?! O mega enter naman si ronel sa scene.

KAMI rin!!! Siyempre dapat kasama rin kami, kahit haggard na ang lahat.
PERO, walang tatalo kay Alpha (hehe... peace!) Kung sila Ses at Kim ang Bakawan sa Magic Sing, si Alpha ang ultimate na bakawan sa digi-cam. Parang siya nga ung may birthday eh. Daig pa ako...

ses and alpha,

kim and alpha,

buti may pampalubag-loob. Kami ni alpha.
Ayan, iyan ang nangyari sa birthday celebration ko nung feb 19. five days after my birthday. Siyempre baka hindi naman makarating ang mga ito nung mismong Valentine's Day, eh may kanya-kanyang date ang mga iyan eh. Di ba ses?!
Anyway, thank you sa mga nagpunta. Naghasik kayo ng lagim sa village namin. Hanggang ngayon hindi sila makatulog dahil bumabagabag sa kanilang isipan ang mga boses ninyo. Maya't mayang may nagbabato ng bote sa gate namin dahil sa inyo.
Chorva!!!
Salamat sa mga nagpunta at sa mga regalo niyo na sobrang ginagamit ko ngayon. hindi bale susunod na kayo alpha and ses. Pag-iisahin ko na lang iyong mga gift niyo ha para tipid. Tutal magkasunod naman kayo eh.
Anyway, 18 na ako. Shit I'm like pwede nang bumoto! Next year Feb 14 19 na ako, so iyong regalo ko ha. :)