Friday


chill... chill...
isa na ata ito sa mga funny experiences ko. well, dahil tapos na ang exams ay napagdesisyunan namin ni jack na mag-ice skating. yipeee!!! first time ito. But we only had one hour to skate kasi iyon iyong nasa coupon na we got when we went to the grocery.

naku gusto ko na ngang magback-out eh, dapat bowling na lang kami. pero sige go na rin para ma-try ko naman.

naku pagtungtong pa lang sa rink sobrang kinakabahan na ako, ang dulas grabe. so ayun, one hour din akong forever nakahawak sa bars. buti pa si jack nagawa iyong goal niya na makapunta sa gitna ng rink at mahawakan iyong blue na post. kaso sa pagbalik niya sa first try, eh na-excite ata kasi akala successful siya, ayun nadulas dulas siya... bumagsak!!! pero nung second try ay nagwagi na siya.

matapos ang pagmamagaling namin sa skating rink eh diretso naman kami sa Timezone. Dahil limited na lang ang funds namin, hindi na namin na-try kunin ung Cookie Monster na stuff toy. Paano ba naman, mahirap na magrisk di ba?! Paano kugn sa first attempt eh hindi namin makuha, eh di patay patay na. kaya nagdance extreme (?) na lang ako at nag-basketball kami. kaso nakakahiya, sa sobrang lakas ng pagtira ko, napunta sa likod iyong bola.

Ito pa ang nakakainis, nung pauwi na kami, nakita na lang namin na nakuha na si cookie monster. huhuhu... nakuha nung babaeng adik sa timezone, ultimo care bears nga na meron naman sa toy section ng SM eh ayaw pakawalan hanggat hindi niya nakukuha.

Kaya nabuo ang aming motto: Mahirap Maging Mahirap!!!

Okay ayan ang kabuuan ng nakakaloka at haggard na araw ko. Wala pa diyan ang inis ko sa mga mapagmagandang staff ng isang office sa UP ha. nagtatanong ka ng maayos tapos pagtataasan ka ng boses. How bitchy!!!


lucia
8:45 PM


|

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
June 2007
July 2007


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird