pathetic me
although masaya at masasabi kong free ang schedule ko this semester, eh napaka-pathetic ko. bakit? nakakahiya man pero sasabihin ko na rin kahit na maaaring wala na akong mukhang maihaharap.
una, hindi pa rin ako pumapasa sa bowling. kaazar!!! kahit na-tapat na ako sa magagandang lanes eh wah epek pa rin ang powers ko. biro niyo ang pasing seventy at ako sixty-nine. sino ba namang hindi mabwibwisit nun davah?! pero maswerte na rin ako that day. kasi sabi ng prof ko kapag walang bura yung score sheet eh plus five sa score lahat ng members. so kung nagkaganoon nga, aba, kita mo nga naman, pasado!!!
pangalawa, simula grade 1 eh kinakanta na natin ang pambansang awit sa paaralan. kaya naman naisipan ng prof ko sa socsci 1 na isama ito sa first exam. either UP Naming Mahal or Lupang Hinirang, depende sa kung anong set ng questions ang mapupunta sa iyo. At dahil hindi ata kami jive ng mga dogs eh ang pambansang awit ang napunta sa akin. habang sinusulat ko, bigla na lamang nawala sa isip ko ang mga susunod na linya. Shit di ba!!! so sinagutan ko na lang muna yung ibang items. pero nung bumalik na ako, kaunti lang rin ang bumalik na lyrics sa isip ko. so humanda ako sa prof ko. patay!!!
pangatlo, hindi ako nakapasok sa nat sci 1 ko. As in sobrang aga kong gumising, as usual. kaso nung araw na iyon ay kasama ko si papa dahil pupunta siya ng office. ayos magtataxi kami! kaso malas ata talaga ako, sobrang walang vacant na taxi. almost one hour na kami nagaabang. okay, tanggap ko na, late na ako. pero umasa parin ako na makapasok. kaso huwag na lang din. baka magalit si dir magpantay eh. so goodluck sa akin dahil hindi ko alam ang lesson nung araw na iyon. sana tulad nung first exam sa natsci pasado kahit papaano. hehehe...
ineexpect ko na madaragdagan pa itong cited examples ko dito. hehehe... kakabit ko na ang malas.
lucia
9:30 PM
|