Dahil wala naman kaming org, we (me and my high school classmates) decided na to have our own exchange gifts. So after na magbunutan nung tuesday, kanina naganap ang pagpapalitan. Sa hindi ko malamang dahilan, the venue was
Paskong Pasiklab. Siyempre that's the one nearest sa peyups. Besides para mag-explore na rin ng ibang places.
Naku ang masasabi ko lang: sobrang lugi ka! Biro mo for that kind of place mapapagastos ka ng sobra! Why?!
Una, may entrance pa sa ganoong uri ng lugar. 30 Php. Sige, fine, pwede pa palagpasin. Pero naman ang isang very cheap na ride costs 30 bucks each. eh sobrang sandali ka lang. hindi pa magiinit ang pwet mo sa pagkakaupo doon eh. Ang masama pa nito, sasakit ang katawan mo kasi hindi man lamang cushioned ung seats. Pero siyempre that's that. Eh perya ever naman ung lugar ano.Siguro gustuhin mo mang sumakay pa sa ibang rides you'd have second thoughts kasi una butas bulsa mo and hindi ka sure kung safe ka.
Naku enough na ang once kong ma-try ang pagpunta sa pasiklab na iyon.
On the other hand,
carry na rin at least we had a mini reaunion-bonding thing. Kaso ung nakabunot sa akin hindi sumipot eh. Pero oks lang. O cia enough na rin dito.