Thursday


Nang mayanig ang AS...
Oblation Run na!

This is one hell of an experience i'll never forget! nakakaloka ang araw na ito. Ang daming first na nangyari sa akin.

But as usual, muntikan ko na namang hindi mapanood ang run. Paano naman kasi, today is the deadline ng paper ko sa PanPil 40. eh I crammed as usual. Besides, I got sick din the other day so I had no time to finish it. And hell, that paper gave me a headache.

Okay so going back, I got stuck in traffic bandang Katipunan. All the cars of the Ateneo people caused all the traffic. Pero pagkalagpas ng Ateneo eh smooth sailing na. I was so scared pa nga talaga coz I thought I wouldn't make it. I was starting to get pissed kasi I could have reached UP earlier if it wasn't for our printer.

On time naman ako sa run. Mga 15 minutes early. Damn, the whole AS was full. sobrang siksikan sa loob. Buti na lang Jack had a nice place sa may steps so kitang-kita talaga.

Ang daming media people. Andun pa si Howie Severino ng GMA. Ang cool grabe. And I even saw Sid Lucero there. Even students from other schools came. At ang nakakaloka pa, may mga ma-jonderbelles (matatanda) pang andun. Grabe ha hindi talaga paaawat.

Sa sobrang pagka-excite ng mga katauhan eh ang daming false alarm. Manggagaling kasi sila sa Quezon Hall. Dun nga daw may dalawang girl na sumali sa run eh. Pero ayun dumating na sila sa AS at nagsimula na rin. Siyempre panu mo malalaman, sobrang lakas ng mga tili galing sa lobby!

Sa totoo lang un ang pinaka hindi ko na-gets sa mga tao. Bakit kelangan magtilian? sobrang sabik ba na kapag nakita mo eh mapapatili ka talaga?! Ewan ko, ako kasi tawa ng tawa nung nakita ko na eh. Nagulat ako sa itsura. Hindi ko inexpect na ganun pala un. Kaloka!

So ayun matapos nilang magsisigaw ng patalsikin si GMA sa steps, balik na sila sa loob. We thought tapos na ang lahat so we got out of the building na to look for our classmates. But wait there's more! Hala minutes later, andun ang mga kalalakihan sa right wing, sige pa rin sa pagtakbo! So kami naman, takbo rin agad sa loob. pero hindi ko carry ang sobrang body contact sa loob kaya nung dumaan ulit, torso na lang ang nakita ko.

Grabe kakaibang experience. Sayang nga lang si Ses, hindi niya napanood. Naghihintay pa kasi ng kasama eh. Di bale, may 4 years pa naman siya sa UP! nyahaha!


lucia
11:48 PM


|

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
June 2007
July 2007


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird