Lantern Parade and Miss Eng'g?
Amazing ang mga lanterns na ginawa ng sangka-UPihan. lalo na siyempre ang Fine Arts. Although austerity churva ang emote ng UP ngaung taon, gumawa parin ang ilang colleges ng lanterns nila.
Swerte siguro kami ni Jack sa mga pwesto at kitangkita ulit namin ang events. Bongga talaga ang works ng Fine Arts. Too bad I wasn't able to bring our camera. Hindi kasi naka-charge ang batteries. sayang.
Well sandali lang naman nagtagal ang buong thingy. So after nun tambay muna kami. Tingin tingin sa mga stalls. Lakad lakad hanggang mapagod. At anong petsa na noon eh wala pa rin sila ses na nagpunta ng SM para bumili ng gift (may exchange gift kasi kami).
after ten years eh dumating na sila. We decided to just watch this event sa College of Engineering, ung Miss Eng'g nila. Dapat kasi we'll watch ung concert which was supposed to be held at the Sunken Garden. But then moved sa Bahay ng Alumni. Kaso baka the siksikan so hindi na lang. Well based na rin un sa naging experience nila nung Freshteeg.
So gora CE na kami. Nakakatuwa naman pala ung event. Puro lalaki ang kasali pero nagdamit babae. Nung nag-start na sobrang napuno na rin ang Eng'g at siksikan sobra! Pero enjoy pa rin kasi bastusan ang nangyari.
Each org kasi na under ng Eng'g eh may representative. Syempre kapag pangit ang sa ibang org, laitan ever na. Sobrang enjoy talaga. San ka pa? andun sina Diego, Pokwang at Mystika. hehehe...
Pero what shocked us the most eh kasali ang isang old schoolmate. Si Milan. Nyahaha.
Pero i didn't stay there that long. I had to go to College of Law kasi my sister was there. May event din sa Malcolm. So sabay kami umuwi. At kaya rin naman ako nakapanood hanggang gabi kasi kasama ko siya pauwi.
lucia
11:55 PM
|