Friday


time is ticking too fast without me noticing it
grabe ang bilis ng panahon. kakastart ko lang sa college at hindi mo namamalayan na patapos na ang unang sem. september na kaya!

siguro hindi ko na rin gaanong napansin kasi enjoy talaga ang college lyf ko. i admited naman na during the first couple of weeks eh medyo na-culture shock ako with how everything goes, to the point nga na i was so afraid i'd flunk. although hindi pa rin nawawala ang possibility na iyon hanggang ngaun lalo pat tagilid talaga ako sa other subjects ko. hehehe...

ang bilis talaga ng oras, at sa ilang months na inilagi ko sa unibersidad ay sobrang dami na nangyari sa akin. lemme enumerate...

una, dami ko na friends. almost every class eh may mga kachikahan ako. at dahil every class eh different people ang kasama ko, hindi talaga malabo mangyari na pagdating ko siguro ng third year (well i wish umabot ako) eh halos lahat siguro ng makakasalubong ko sa daan eh kakilala ko na.

second, immune na ako sa pagod. hindi ko na alintana ang mahabang lakaran. kahit pa siguro buong araw na ako naglalakad eh keber lang. minsan nga hindi mo na talaga namamalayan na sobrang layo na pala ng nalakad mo. kaya nga kung saan saan na rin ako nakarating. the next thing you know, voila, nandoon ka na sa destination mo!

third, sobrang dami na siguro ng bacteria sa katawan ko. sa dami ba naman ng pagpipiliang pagkain sa UP eh hindi ka matetempt na i-try ang mga ito. mula sa isaw hanggang sa taho to dirty ice cream, to fishballs, to kwek kwek, to... name it, meron sa UP.

fourth, film buff na ako. eh araw-araw ba naman may film showing sa UPFI. pero siyempre hindi naman ako araw-araw nanonood no. although given the chance, aba siyempre go na sa sinehan. kaso layo pa inuuwian ko tsaka sana hindi rin ako masyado busy diba?! karamihan kasi sa mga prof ko eh nirerequire kami na manood ng mga films tapos saka gagawan ng review. eh malamang di ba, tlaga kelangan ko nga manood.

fifth, sale! sale! sale! although hindi ko pa na-try na bumili sa mga sale sa UP dahil hindi ko pa naman kelangan ng bagong pants or damit (khit na gusto ko --> sale nga pala jag n lee ;']) eh almost every week talaga eh may bagong brand na sale. tulad ng jag, lee, bobson, penshoppe, puma, adidas, accel, giordano, whoops at kung anu-ano pa! biro mo sobrang laki ng difference niya compared sa mga binebenta sa malls. kaya sulit talaga! may tiangge din sa AS walk kung saan makakabili ka ng mga kakikayan tulad ng boho necklaces at dangling earrings na sobrang natetempt na talga akong bilhin every time dadaan ako dun. may book for sale pa. san ka pa?!

at syempre, dami na laman ng coconut ko. kasi hindi lahat ng tinuturo ng prof tungkol sa course itself, nandiyan na rin ang iba pang bagay na if you come to think of it eh essential na malaman ng isang iskolar. the best thing pa dito eh we don't rely on books all the time. readings will do. tipong photocopied. you'll also be the one to look for it sa library ha. matututo ka talaga maging maabilidad.


lucia
11:53 PM


|

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
June 2007
July 2007


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird