Saturday


tsinelas
Ang pagsusuot ng tsinelas sa UP ay in. Ang weird nga eh, di ba ang stereotype ng isang college student ay nakauniform, meaning, skirts and high heels for gals and pormang bangkay for the guys. Hehehe…


Pero kakaiba talaga kapag sa peyups. San ka nga naman nakakkita ng isang eskwelahan na parang ang isang napakalakang park, and not just an ordinary park like those in the movies, Luneta park—sa part ng mga squatters. Hehehe… Pero seriously, totoo naman eh, kahit san ka tumingin may naka-tsinelas. Fashion siya.


Naalala ko tuloy ang isang napakagandang analysis mula kay Jack noong nanood kami ng Tatlo, Dalawa, Isa sa Film Institute. Sabi niya, kakaiba ang mga nanonood sa FI, kung sa mall todo-bihis ka pa, meaning, with matching blingbling at kung anu-anong ka-echusan, sa FI parang nasa bahay ka lang. Kung baga parang sala niyo at nanonood ka sa sofa. Naka-tsinelas at ang damit, parang pambahay. Pero mukha pa rin naming tao, at syempre matatalino. Lol.


Kaya naman sa isang quiz na nakuha ko na naman sa net habang nagpapalipas ng oras gayong napakarami kong dapat gawin eh na-feel ko talagang sagutan ito… at eto nga ang results…

Sassy Belladonna is a Pair of Flat Sandals

Casual yet flirty

You look great in a simple top and jeans

Your look is approchable and cute!

What Kind of Sandal Are You? Take This Quiz :-)

o di ba, UPing UP. Tsinelas kung tsinelas talaga.


Although mas gusto ko sana kung rubber sandals na lang eh… Un kasi ang mas gamit ng magdalang kapipolan. Ung tipong sixty pesos na mga planet/banana peel sandals sa SM department stores. Hehehe… Pero kung sosyal ka syempre havaianas na! pero hindi pa naman ako nasisiraan para bumili ng isang pair nun. Wala naman siyang pinagkaiba sa ibang sandals. They’re all the same-- foot protection.



lucia
10:13 AM


|

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
March 2007
June 2007
July 2007


Designer
Eric Sim aka Kukuthebird